Huli Na Ang Lahat
Natutulala na lang ako sa iyong sinambit
Hindi ko inaasahan mga katagang nabanggit
Napaisip tuloy ako sa panahong nagdaan
Mula sa mga larawan ng nakaraan.
Sana'y noon mo pa sinabi ang iyong nararamdaman
Dahil sa mga oras na iyon ay ako ay nahuhulog na sa iyo
Ngunit ibinaling na lang sa iba
dahil alam ko na wala naman talaga.
Naalala ko no'ng akoy nakaupo sa may gilid
Hindi ko alam kung bakit ako napatitig sa mga mata mo
Parang may nais kang sabihin ngunit tila may pumipigil
Walang lakas ng loob na ipagtapat ang isinisigaw ng 'yong damdamin
Sa mga oras na ito ko na lang napagtagpi-tagpi
Na matagal mo na pala akong minamahal
Ngayon pa ni kahit katiting na pagmamahal ay kumupas na
Ngunit bakit ngayon pa na wala ng pagmamahal.
Sana ipinagtapat mo na ito noon
Habang naglalagablab pa ang pagsinta
Ngunit huli na, huli na ang lahat
Na sabihing mahal mo ako, ngayong limot na kita.