Miyerkules, Oktubre 5, 2016

PAGSUSURI NG ILANG KWENTO SA NOBELANG ISANG LIBO’T ISANG GABI NG BANSANG SAUDI ARABIA



I. PAMAGAT:Ang Babae at ang kanyang Limang Mangingibig
(The Young Woman and Her Five Lovers)
AWTOR: Mula Sa  Isang Libo’t Isang Gabi (A thousand and One Nights) ng Saudi Arabia
PANAUHAN:
Pangatlong Panahuan
Malayang nagsasalaysay sa kwento; maaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin ito sa mambabasa; nakapagpapahayag din ang nagsasalaysay ng puna o pakahulugan sa kilos ng mga tauhan.
TAUHAN
CHARACTERIZATION
URI NG TAUHAN
PATUNAY
BABAE
May dating asawa ngunit sa katagalan ng pag-uwi ay umibig siya sa sa isang lalaking mas bata sa kanya.
TAUHANG BILOG
Saka isa pa, hindi naman ako masamang babae, subalit kailangan ko lang itong gawin.”

Ayon sa akda ang babae sa kwento ay hindi matapat sa kanyang unang asawa ngunit sa pangalawang asawa niya ay naging matapat ito kahit na inakit niya ang mga lalaking hiningan niya ng tulong sa hangaring makalaya ang kanyang iniibig mula sa pagkakakulong.
PULIS
Isang hepe ng pulisya na unang naghingan ng tulong ng babae upang makalaya ang kanyang iniibig sa pagkakakulong.
TAUHANG LAPAD
“Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas ko ang iyong kapatid, tutulungan ko siya at pagkatapos ay ilayo mon na siya.”

 Ayon sa akda ang lalaki ay ang tanging nais lamang  ay ang makipagtalik lamang sa babae ginamit niya  ito bilang kapalit sa pagpapalaya sa iniibig ng babae.


CADI
Pangalawang lalaki na pinaghingan ng tulong ng babae; may kapangyarihan na gumawa ng kautusan na makapagpapalaya sa iniibig ng babae.
TAUHANG LAPAD
“Pumunta ka sa aking tahanan para makasama ko at sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong kapatid.”
Ayon sa akda, ang nais lamang ng Cadi ay ang mapaligaya lamang siya ng babae kapalit ng pagpapalaya sa kanyang minamahal.
VIZIER
Pangatlong lalaki na pinaghingan ng tulong ng babae; isang taong kanang kamay ng hari na may kapangyarihang magpalaya sa iniibig ng babae.
TAUHANG LAPAD
“Payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin sayo at palalayain ko ang iyong kapatid.”

Ayon sa akda, ang nais lamang ng vizier ay ang paligayahin siya ng babae kapalit ng pagkalaya ng iniibig ng babae.

HARI
Pang-apat na lalaki na pinaghingan ng tulong ng babae;isang taong mayaman at may mataas na katungkulan, may kapangyarihan na at namumuno sa kanyang nasasakupan.
TAUHANG LAPAD
“Sino ang nagpakulong sa kanya?”
 Ayon sa akda, ang hari ay nais matulungan ang babae sa  pagtatanong kung sino ang nagpakulong sa kanyang kapatid ngunit ang totoo ay ito ang kanyang iniibig ngunit ang kapalit nito ay ang pakikipagtalik nito sa kanya.
KARPINTERO
Isang mangagawa na gumagawa ng cabinet; huling pinaghingan ng tulong ng babae.
TAUHANG LAPAD
“Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.”
Ayon sa akda, ang karpintero ay may gusto sa babae kaya ang kabayaran ngcabinet na pinagawa ng babae ay hindi na niya pababayaran kapalit ng pagpapaligaya nito sa kanya.

TAGPUAN:Sa pulisya at Sa bahay ng babae
ORAS/ PANAHON: Isang araw
II. BANGHAY:Gumamit ang awtor ng Linear/ kumbensyunal o maikling kwentong makabanghay na may sinusundan na pormat  na Simula-Gitna-Wakas.
Ang babae sa simula ay may dati itong asawa ngunit sa matagal na pag-uwi ay umibig siya sa isang mas batang lalaki.Kayat ng minsan nakulong ito ay humingi siya ng tulong sa hepe ng pulisya ngunit kapalit nito ang pagpapaligaya nito sa kanya. Pumayag ang babae sinabi nito ang takdang oras at bahay ng babae. Ngunit ang babae ay humingi ulit ng tulong sa Cadi at ganoon din ang nais niya ang mapaligaya siya ng babae kapalit ng paglaya ng kanyang minamahal. Lumapit uli ang babae sa Vizier at sa Hari at iisa ang kanilang nais ang mapaligaya ito nga babae kapalit ng pagkalaya ng kanyang minamahal.Sinabi din niya ang takdang oras at bahay ng babae. Pagkatapos ay pumunta ang babae sa isang karpintero at nagpagawa ito ng cabinet na may apat na compartment. Nabighani ang karpintero sa babae at sinabing libre na ang cabinet na pinagawa niya kung paliligayahin niya ito kaya pindagdagan ng babae ng isang compartment ang cabinet. Pumayag nga ang babae gaya ng sinabi niya sa mga unang lalaki ang takdang oras at tirahan nito.
Sa tirahan ng babae unang dumating ang Cadi at pinasuot ng babae ito ng roba at agad na nagpagawa ang babae ng kautusan na magpapalaya sa kanyang asawa na sinabi niyang kanyang kapatid sa mga lalaki na naghingan niya ng tulong. Nang sisimulan na ang kanyang pakay ng Cadi ay may kumatok sa pintuan ng babae binilisan niyang pinapasok ang Cadi  ito sa cabinet sa pinakamababang compartment. Ngunit ang dumating ay ang hepe ng pulisya, pinasuot muna ito ng babae at ng sisimulan na niya ang kanyang pakay ay may kumatok ulit sa pintuan ng babae at sinabing asawa niya ang dumating agad niya itong pinapasok sa cabinet sa pangalawang palapag. ang dumating sa oras na iyon ay ang Vizier at pinasuot niya ito ng roba at ng sisimulan na ng Vizier ang kanyang pakay ay may kumatok muli sa pintuan ng babae at sinabi niyang asawa niya ang dumating agad niya ulit itong pinapasok sa pangatlong palapag upang magtago. Sa oras na iyon ang hari ang dumating at pinasuot uli ng babae ang Hari ng roba. Nang sisimulan n asana niya ang kanyang pakay ay may kumatok ulit sa pintuan ng babae at sinaing asawa niya ang dumating. Ngunit ang dumating ay ang karpintero sinabi ng babae na napakaliit ng ginawa niyang cabinet kaya pinapasok ng babae ang karpintero sa cabinet upang masukat ngunit ito ay kanyang isinara.
Pagkatapos ay ibinigay na ng babae ang kautusan ng magpapalaya sa kanyang  iniibig sa opisina ng pulisya at ng kanyang mailabas ito ay nagpakalayo-layo na sla at di na sila muling bumalik sa lugar na iyon. Ang mga limang lalaki naman ay tatlong araw silang nakalabas sa cabinet dahil akala ng mga tao ay mga multo o mga genie sila sa bahay kaya noong sila ay lumabas ay hiyang-hiya sila sa kanilang hitsura dahil sila ay mga taong bnasa may mataas ng katungkulan ay nasahan sila ng babaeng may mababa ang estado sa buhay.


III. TUNGGALIAN AT SULIRANIN

SULIRANIN: Paano mapapalaya ang lalaki mula sa pagkakakulong na iniibig ng babae.
TUNGGALIAN: Tao laban sa Lipunan na kung saan ang babae sa akda ay lumalaban sa lipunan mula pag-aakusa na dahilan ng pagkakakulong ng kanyang minamahal.

IV. KAPANAPANABIK AT KASUKDULAN
Ayon sa akda, nang minsan ay sunod-sunod na nagsidatingan ang mga lalaking pinangakuan niya na paliligayahin niya kapalit ng pagpapalaya sa kanyang iniibig. Sa bawat pagdating ng mga lalaki ay agad niya itong pinasusuot ng mga roba upang mapahaba ang oras at ang paghahanda ng makakain. Habang sinisimulan niya ang pagpapaligaya sa bawat lalaki ay may kumakatok sa pintuan at sinasabi niya na asawa niya ang padating ngunit ito ang mga lalaking pinangakuan niya..

V. RESOLUSYON AT KAKALASAN

Ayon sa akda, upang maresolba ang problema ng babae kung paano mapapalaya ang kanyang iniibig mula sa pagkakakulong ay humingi siya ng tulong sa mga may kapangyarihan ngunit kapalit nito ang  pagpapaligaya sa mga ito. Ngunit sa bawat pang-aakit niya ay nakaya niyang manipulahin ang mga taong may mataas na kapangyarihan na makapagpalaya sa kanyang iniibig. Sa bawat pagdating ng mga lalaki  ay pinagawa na niya ng kautusan si Cadi na makapagpapalaya sa kanyang iniibig at  agad niya itong pinapapasok sa cabinet na may limang compartment ang mga lalaki, upang ang mga ito ay hindi na makahabol sa kanyang pagtakas.

VI.WAKAS
Nang maipasok na niya lahat ng lalaki sa cabinet ay agad na niyang ibinigay ang kautusan na ginawa ng Cadi sa pulisya at nagpakalayo-layo na ang babae at ang kanyang kasintahan at hindi na nagpakita pa sa lugar na iyon.Ang mga limang lalaki naman ay tatlong araw silang nakalabas sa cabinet dahil akala ng mga tao ay mga multo o mga genie sila sa bahay kaya noong sila ay lumabas ay hiyang-hiya sila sa kanilang hitsura dahil sila ay mga taong bnasa may mataas ng katungkulan ay nasahan sila ng babaeng may mababa ang estado sa buhay.


VII. PAGDULOG O TEORYA
TEORYANG HUMANISMO:
Ang binibigyan ng pansin sa teoryang ito ay ang kahalagahan ng tao. Ipinalalagay na ang manipestasyon ng taoay ang pagkakhulma ng kanyang kabuuan upang Malaya siyang makapag-isip,makapagpahayag at makakilos. Bilang panginoon ng kanyang kapalaran , maipapalagay ringmaiiwasan ng tao  na siya ay hinahawan ng landas upang marating ang daigdig na nais niyang malakbay at humanap ng sariling kapalaran.


SIMBOLO/PAHIWATIG

Ang babae sa akda ay sumisimbolo sa mga babae na naninirahan sa Saudi Arabia o mga Muslim na ang babae sa kanila ay mahina at walang karapatang mamuno at makapag-aral  dahil sila ay nasa mababang antas   na estadosa buhay. Kaya’t ang kuwento ay nagpapahalaga sa mga babae na  mayroon silang talino at lakas na  kayang labanan ang mga lalaking may mataas na katungkulan o kapangyarihansa batas.

PAKSA: Pagiging matapat ng babae sa kanyang iniibig.

TEMA/ MAHALAGANG KAISIPAN:

Ayon sa akda, sa simula ang babae ay hindi matapat sa kanyang  asawa dahil sa katagalan ng pag-uwi nito ay umibig siya sa lalaking mas bata sa kanya. Kahit na mali ang pang-aakit niya sa limang lalaking may kapangyarihan makapagpalaya sa kanyang iniibig ay nagawa niyang pangakuan ang mga ito na paliligayahin niya na kung saan ay nakagawa siya ng mali upang mapalaya lamang ang kanyang minamahal. Dito ay pinatunayan na ang babae ay hindi mahina at may lakas itong manipulahin o isahan ang mga lalaki na kahit na may mataas na itong katungkulan. Sinasabing ang tao ay kaya niyang gawin ang lahat para lamangsakanyang minamahal.

I. PAMAGAT: ANG MANGINGISDA AT ANG GENIE
AWTOR: Mula Sa  Isang Libo’t Isang Gabi (A thousand and One Nights) ng Saudi Arabia
PANAUHAN:
Pangatlong Panahuan- Malayang nagsasalaysay sa kwento; maaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin ito sa mambabasa; nakapagpapahayag din ang nagsasalaysay ng puna o pakahulugan sa kilos ng mga tauhan.
TAUHAN
CHARACTERIZATION
URI NG TAUHAN
PATUNAY
Mangingisada
Isang mangingisda na ang tanging ikinabubuhay ng kanyang pamilya ay ang pangingisda.
Tauhang Bilog
, 'I wish to know if you were actually in this vessel. Dare you swear it by the Great Name?'

Genie
Isang higanteng nilalang na tumutupad sa kahilingan ng tao  na magiging amo ngunit ng kalaunan ay naging malupit ito.
Tauhang Bilog
'No, thy death is resolved on,' said the genie, 'only choose how you will die.'

Sultan
Isang namumuno sa isang tiyak na nayon; isang taong matulungin.
Tauhang Lapad
'Tell me whither this perfidious magician retires, and where may be the unworthy wretch who is buried before his death.'

Prinsipe
Isang mabait na hari; isang haring isinumpa ng asawa
Tauhang Lapad
. Thou hast abused my goodness too long."

Reyna
Isang malupit na nilalang; pinsan ng hari na kanyang asawa
Tauhang Lapad
“By virtue of my enchantments, I command thee immediately to become half marble and half man."
TAGPUAN:
ü  Sa dagat
ü  Sa palasyo
ü  Sa Sapa
ü  Palasyo ng luha
ü   
II. BANGHAY
            May isang mahirap na mangingisda na ang tanging ikinabubuhay sa kanyang pamilya ay ang pangingisda. Palagi siyang nanghuhuli ng isda at masasabing isang kahig isang tuka ang estado ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Nang minsan ay naglagay siya ng lambat sa dagat ngunit purong buhangin ang kanyang nakuha. Sa sa pangalawang paglagay nito ay purong mga bato ang kanyang nakuha at sa kanyang pangatlong lagay ng lamba ay manalambat siyang isang banga na mat matibay na selyado binuksan agad ito ng mangingisda na nagbabakasakaling may makuha siya doong kayamanan.Ngunit isang genie ang lumabas isang malupit na genie. Agad tinanong ng genie sa mangingisda kung anong uring kamatayan ang nais niya ngunit nag-isip ang mangingisda kaya hinamon niya ang genie kung totoong nagkasya nga siya sa banga at ipinaita nga ito ng genie sa mangingisda kaya agad na isinara ng mangigisda ang garapon upang hindi na ito patayin. Kinuwento ng genie kung bakit naging malupit na ito sa kanyang mga amoo dahil nung una ay tinutupad niya lahat ng hiling ng magiging amo niya ngunit naibigay na niya ang lahat ay di pa rin siya pinpalaya.

III. TUNGGALIAN AT SULIRANIN
SULIRANIN: Paano maisasakatuparan ang hiling ng mangingisda  na magkaroon ng matiwasay na pamumuhay.
TUNGGALIAN: karakter laban sa karakter
Ayon sa akda ang sultan ay nag-isip ng paraan upang maalis niya ang sumpa sa bayan ng hari kaya’t inisahan niya ang Reyna at kasabay ng pangyayaring iyon ay ang pagkakaalis ng sumpa  at pinatay niya ang Reyna.
VII. PAGDULOG O TEORYA
TEORYANG ISTRUKTURAL
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang wika ay hindi hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi sa kalayaang panlipunan. Binibigyan nito ng pagpapahalaga ang diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan.







10 komento:

  1. Napkahusay nang pagbuo nito.malaking tulong ito sa pagbibigay linaw sa mga tinatalakay.Maraming salamat.

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat po. Naintidihan ko po ng mabuti

    TumugonBurahin
  3. Mga Tugon
    1. Ano po ang DAMDAMIN,PAMAMARAAN,PANANALITA,AT SIMBOLISMO?

      Burahin
  4. ano ang simula gitna wakas sa novela. ng isang libo't isang gabi pa help. po

    TumugonBurahin
  5. Mayroong mga "typo" kung tawagin na iba`t ibang natatype, tulad ng "n asana" sa paragrap na 'Nang sisimulan n asana niya ang kanyang pakay ay may kumatok ulit sa pintuan ng babae at sinaing asawa niya ang dumating.'
    Halos lahat naman ay malinaw`t naiintindihan. At least, Great effort ang ginawa, Keep It Up!

    TumugonBurahin
  6. Ano anong Kultura ng Saudi Arabia Ang Masasalamin sa Nobela "Isang Libo't Isang Gabi"?Magbigay ng lima

    TumugonBurahin